SA MANGA TAGA KATIPUNAN
SA MANGA TAGA KATIPUNAN
Manga guiniguilio cong capatid at dating casamasama:
Maguing tua ó cadalamhatian, maguing hirap ó caguinhauahan ang capadparán co sa paquiquibaca at pamimiyapis sa lahat nang bagay na humehadlang sa pagcatimaua nang ating bayan, ay talastasin ninyong di co malilimutan ang manga dating caramaydamay sa hirap.
Talastas nang lahat na cayo ang nagbucas nang daan, cayo ang unang sumangab sa madlang panganib; ng maligtas at maagao ang bayan sa cuco ng cabangisan at camurahan: gsino ang macalulupig sa pinamuhunanang capurihan na inyong tinamó?
Nguni’t bulaybulayin ninyo: ng una’y nagtatandâ ang manga taga Katipunan, upang magcaquila-quilala ang tunay na magcacapatid; ngayo’y hindi na, sa pagca’t sumapit ang arao na ating inaanantayan na ang lahat na tubo sa Pilipinas ay magquilalanang tunay na magcacapatid, ngayo’y ualá ng Katipunan at hindi Katipunan, sa pagca’t ang boong Pilipinas, ang pinacamamahal nating Inang bayan ang siyang tunay na Katipunang quinadoroonan ng lahat niyang anac na nagcacaisang loob at nagcaca-ayon-ayon sa pag-hango sa Inang naaba sa cailaliman ng caalipnén.
Caya itong aquing Gobierno ay ualang tinitingi sino man: tungcol cababaya’y mahal sa caniyang loob, cayat ipinagcacatiuala ang lahat na catungculan sa canila mang magpatanao nang tunay na carapatin, upang maipaquilala sa manga taga ibang lupa na ang bayang Pilipinas ay marunong na mamahala sa sariling pamumuhay at di nagcacailangang paquialaman pa ng iba. At talastasin ninyo manga sama na ang matulis na cuco ng mga ibang caharia’y nacaacmd sa ating abang bayan; ualang inaantay cundi ang tayo’y magcagacagalit at magaauay at tayo’y pagsasaclutanan at ang raatmatuiri’y cailangang tayo’y husayin at acayin nila, pagca’t cun hindi tayo-tayo rin ang magpapatayan. Talastasin ninyo na ang mahaguip nang salangapang nilang camay ay di macapipiglas sucdang magcauaray-uaray.
Ito rin ang dahilan caya co ipinaubaya sa mga lalong pinananaligan ng mga bayan ang catungculang mamahala sa canila.
Pinagmulan: museumxstOries (sundan sa Instagram)
Mungkahing Basahin: